Mga kabayan, may mga ilan po sa atin na pumupunta dito sa Thailand sa sabi-sabi ng iba na madaling makakuha ng trabaho bilang guro [o kahit anumang trabaho]. Hindi po tutoo yan, matumal ang trabaho para sa mga Pinoy teachers ngayon. Marami pong dahilan sa sitwasyon na ito, may mga thread at post sa forum na nagpapaliwanag niyan.
Wag po sanang basta nalang sumusugod sa walang kasiguruhan, plano, o pera man lang. Kung di po tayo “wais”, kung di po natin gagamitin ang ating talino, ay mamalasin po tayo talaga. At wala tayong masisi na iba kungdi ang sarili natin.
Popularity: 72% [?]


