Mga kabayan, may mga ilan po sa atin na pumupunta dito sa Thailand sa sabi-sabi ng iba na madaling makakuha ng trabaho bilang guro [o kahit anumang trabaho]. Hindi po tutoo yan, matumal ang trabaho para sa mga Pinoy teachers ngayon. Marami pong dahilan sa sitwasyon na ito, may mga thread at post sa forum na nagpapaliwanag niyan.
Wag po sanang basta nalang sumusugod sa walang kasiguruhan, plano, o pera man lang. Kung di po tayo “wais”, kung di po natin gagamitin ang ating talino, ay mamalasin po tayo talaga. At wala tayong masisi na iba kungdi ang sarili natin.
Eto po MGA TIP sa mga kabayan natin na nais magturo sa Thailand:
- Evaluation ng sarili: alamin po kung ano talaga ang kaya nating ituro ng mabuti. Ikaw ba ay pang elementary, High School or college level?
- Mahalaga ang experience dito sa Thailand; ilang taon ka na ba nagtuturo? Parehas ba or consistent ang tinuturo mo or nag-shift ka bigla? May teaching license na po ba? May Masters? Educ grad po ba tayo, o nag BA tapos kumuha ng lisensiya.
- Do your homework: laganap at mura ang internet sa lahat ng mall at bawat kanto, mga P20 lang kada oras. Mag-research po muna kung ano ang mga posibleng job openings dito. Ayon sa madaliang survey ang hinahanap nila ay mga English Language teachers.
- Mahirap basahin ang mga website ng lokal na eskwela dahil ito ay nakasulat sa kanilang salita. Minsan may English translation. Please naman alamin po natin ang schedule ng school year nila. Wag po nating aasahan na kukuha sila ng guro sa kalagitnaan ng school year.
- Isa sa mga dapat alamin ng English Language teachers na may balak magturo dito, kelangan po napakagaling ninyo sa English. Ang katapat ninyo dito ay yung mga tinatawag na Native English Speakers. At minsan, kahit na may American accent ka, kapag nakitang Pinoy ka, ay di ka tatanggapin. Gusto nila ng puti, Kano, ganon lang po kasimple yon.
- Parehas lang po sa mga subject specialist teachers, including SPED. Sa madaling salita, kung may makukuha silang puti, ay ito ang pipiliin kaysa sa atin. Kung wala silang makuha [halimbawa alam kong mahirap maghanap ng Science or Math teacher sa mga "kaputian" na iyan]at saka sila nagiisip kumuha ng Noypi
- Maghanda ng sapat na pera. Ibig ko pong sabihin ay maghanda po tayo na hindi magiging tagumpay ang ating pag-aapply ng trabaho. Gaya po ng sinabi ko sa isang ka-forum natin dito, wag po ibuhos ang lahat ng pera sa isang pag-asa lamang. Dapat maging “wais” po tayo. Kung hindi tagumpay sa umpisa, may susunod pa na araw.
- Kung wala pong mahanap online, subukan magtanong sa POEA. Ayon sa POEA marami na po silang branch. May listahan po sila ng mga bansang kelangan ng titser.
- Maghanda po tayong tumanggap ng maliit na sahod muna sa umpisa. Ito pa ay malaking concern o problema ng mga titser dito. Noong mga 5 years ago, mataas pa ang offer na sahod sa mga Pinoy sa kahit anong field. Nagbago po ito nang ang mga lokal ay naging magaling na rin sa subject or field na ituturo, lalu na sa English.
- May mga bagong requirement na po dito sa Thailand para sa mga guro: ang Thai Culture and Training seminar kung saan kapag naka-attend ka na nito, ay bibiyan ka ng certificate. At saka ka palang makakakuha ng Teacher License Exam na napakahirap daw ipasa. Kung hindi pasado I think may Take 2. Not sure doon pero kapag di talaga maipasa,
Sana ay makatulong ito sa mga may balak pumunta dito nang maiwasan ang pagsisisi, kalungkutan, pighati sa huli. Iwasan po ang “bahala na” na ugali natin, dahil kabuhayan natin ang nakataya.
Please add dito sa mga tip na ito, mga teachers. Thank you po.
You can find the original post of Buddhist Punk in our Filipinos in Thailand Forum.
For more tips and discussions on how to find jobs in Thailand. Please click here. Or if you want to send this useful info to your friends, please click the Share This link below and add your friends email.
Popularity: 72% [?]












